Sakit! Nireject Ako Ng Mga Kaibigan Ko Dahil Sa Negosyong Shinare Ko!

Karamihan talaga sa tao, to see is to believe.

Dati aminado ako ganyan din ako pero sa paglipas ng panahon narealize ko ganito pala dapat, “believe first and you will see.”

Siguro lahat ng mga bagay na meron ka ngayon ay nagsimula lamang sa isang belief. Ang taong gumawa nyan ay unang naniwala na maging totoo ang nasa isip at puso nya.

Sa simula hirap silang magconvince ng mga tao na maniniwala sa mga plano nila ngunit nung nagtagal ay medyo marami ng nakapuna at dun na sila sumikat.

Ilang mga halimbawa nito ay ang mga sikat na imbentor at negosyante sa buong mundo katulad nila Steve Jobs, Henry Ford, Henry Sy, Lucio Tan, John Gokongwei at marami pang iba.

Magandang gawing halimbawa ang mga buhay ng mga successful na taong ito kasi marami kang matututunan sa kanila na pwede mong iapply sa sarili mong negosyo.

Nagbabalak ka bang magnegosyo?

Kung nagbabalak ka man, ipagpatuloy mo yan ngunit ngayon pa lang sasabihan na kita na sa simula talagang hindi madali. Ngunit pag di ka titigil, makikita mo rin ang magandang resulta nito. Basta focus at magtiwala ka lang.

Alam mo sa experience ko sa mga iba’t ibang uri ng negosyo na sinubukan ko nun, ang isa sa pinakamasakit na experience ko ay ang di ako pinagkatiwalaan ng mga taong malapit sakin lalong lalo na ang mga kaibigan ko. Diba dapat sila ang unang maniniwala at susuporta sakin?

Kaso minsan kailangan din nating tanggapin na meron tayong ibat ibang pananaw sa buhay. Ang importante di mo sila aawayin at gawin mo lang silang inspirasyon para magpursige ka pa lalo sa pag achieve ng mga pangarap mo sa buhay.

Kailanman di tayo makakatakas sa rejection at disappointment kaya sa negosyo kailangan tibay ng loob at determinasyon.

Honestly emotional ako at madali akong mapanghinaan ng loob pero sa pagkakataong ito na may nakita akong isang magandang business opportunity, tinuturuan ko na ang sarili ko na maging matatag at determinado lalo kasi wala namang ibang tutulong sakin kundi ako lang.

Meron pa ring mga rejections at deadma lalo na sa mga friends ko but this time I know how to handle them. I’m all the more motivated to pursue my goals in life.

Ito lang mapapayo ko sayo pag nagsisimula ka pa lang kung anong negosyo man yan, pag nireject ka smile ka lang at magthank you. Di pa naman matatapos ang buhay mo pag di mo sila naconvince e, meron at meron pa rin dyang ibang tao na handang makinig at magtiwala sayo kaya tuloy  tuloy lang.

Sana magiging successful tayo pareho at makatulong tayo sa ibang nangangarap na umasenso sa buhay.

Para sa iyong masaganang kinabukasan,

 

Lebert “Futurich” Omac

 

P.S. Kapag gusto mong malaman ang negosyo na nabanggit ko kanina panoorin mo ito, http://futurich30.theunitynetwork.com/serye

Facebook Comments

Leave a Reply