Kung Nagtake Action Lang Ako Noon, Milyonaryo Na Sana Ako Ngayon

 

Sa totoo lang wala naman talaga akong alam sa online marketing. Diba nga nasabi ko na noon na ako nga po ay isang Forester o “manggugubat” by profession. Ang pangarap ko dati ay magtrabaho ng magtrabaho at makaipon para sa aking kinabukasan.

Subalit sa paglipas ng mga panahon marami akong narealize at isa na nga dun ay di ko pala pwedeng iasa lang sa sahod ko ang pagkamit sa aking mga pangarap. Naghanap ako ng ibang paraan para kumita ng extra maliban sa sahod ko.

Sinubukan kong magnetworking. Nung una excited ako at kumita din kahit papaano pero di rin nagtagal tumigil ako. Nahirapan akong iwork out sya at nahirapan akong pagsabayin sya sa trabaho ko.

Nagtinda din ako dati ng “danggit”, ito yung sikat na tuyo sa Cebu. Maganda sana ang kita dito kaso kailangan kong personal na magtrabaho. Nahirapan din ako sa schedule ng work ko kaya di rin sya nagtagal.

Tumigil ako at nagfocus ulit sa trabaho. Hanggang sa may nakita akong isang article paano kumita online. Binuksan ko ang article at pinanood ang sales video. Nagustuhan ko ito subalit nung malaman ko magkano ang dapat kong iinvest ay di ko na sya pinagpatuloy.

Sa kabila ng aking pag ayaw ay patuloy pa rin akong pinapadalhan ng email ng may ari ng sales video at kahit papaano may natutunan din ako. Naging busy ulit ako at di ko na nasubaybayan ang mga emails nya hanggang sa tuluyan ng di nya na ako pinapadalhan pa ng bagong emails.

Medyo nasayang ako sa opportunity. Ngunit sa kabila nito ay nabuksan na ang aking isipan na pwede pala talagang kumita online. Naging pursigido akong matuto pa ng mga bagong kaalaman tungkol sa topic na ito. Nagsubscribe ako sa mga emails ng mga sikat na Pilipino at international na online marketer. Unti unting dumami ang aking kaalaman.

Akala ko sapat na yung mga kaalaman ko para ako maging successful online. Mali pala ako. Aanhin ko ang aking mga kaalaman pag di ko naman iaapply. Medyo nahirapan akong gawin ang mga itinuturo. Sa kabila ng hirap na naranasan ko sa pag apply ng mga natutunan ko ay gumawa ako ng sarili kong website at nilagay ko dun ang aking unang e-book.

Ibang saya ang naramdaman ko nung makita ko ang akingg unang “dollar” online. Totoo nga na pwedeng kumita online.

Tuloy tuloy pa rin ang aking pagsusulat at blogging online hanggang isang araw may nag open sa akin ng opportunity na tulad nung sales video na nakita ko noon. Laking gulat ko, yung tao na nakita ko sa sales video noon ay sya rin yung tao na nakita ko sa sales video na nakita ko ngayon.

Ibang level na talaga sya ngayon. Lalo akong namangha at sinabi ko sa sarili ko na ito na talaga yung oras. Di ko na ito palalampasin. Marahil masasabi ko na nasayang ang mga panahon na lumipas na di ako nag take action agad noon subalit naniniwala ako na may dahilan ang lahat. Marahil nireready lang ako ni Lord sa mga bagay na ipagkakaloob nya sa akin at sana ito na nga yun.

Ngayon, proud ako na member ng “Unity Network” at proud ako na may mga coaches at co-members ako na willing magtake ng action para sa mga pangarap nila sa pamilya nila, sa ibang tao at sa sarili nila. Pangarap ko rin yung ganung pangarap nila. Sino ba naman ang ayaw tumulong sa kapwa diba?

Ngayon tatanungin kita, may mga pangyayari din ba sa buhay mo na may nag offer sayo ng magandang opportunity ngunit di ka naniwala. Mas pinili mo pang magduda at kalimutan na lang ito?

Di ko sinasabing mali ang ginawa mo. Sino ba naman ako para husgahan ka. Desisyon mo yan at alam mo sa sarili mo ang dahilan bakit ganun na lang ang naging desisyon mo.

Subalit may isang hiling lang ako sayo. Kung ngayon binabasa mo ito at naisip mo na baka ito yung isang opportunity na di mo dapat palampasin at ramdam mo sa sarili mo na interesado ka at gusto mo pa itong matutunan, pag isipan mo itong maigi at panoorin mo lang muna itong video na ito, futurich30.theunitynetwork.com/serye.

Huwag mo din kalimutang “magsubscribe sa newsletter” ko sa bandang kanan para direkta kong maipadala sayo ang next videos sa susunod na mga araw.

Isipin mo lang na ginagawa mo ito para sa mga mahal mo sa buhay at para makatulong ka rin sa iba at lalo na sa sarili mo.

Pagkatapos mo itong mapanood magcomment ka lang sa baba or mag PM ka lang sa akin sa Facebook. Isearch mo lang ang pangalan ko, “Lebert Omac”. Wala po akong kapangalan kaya’t madali mo lang akong mahanap.

Facebook Comments

Leave a Reply